Reminiscing days in handling St. Nicholas Presentation. Normally, I'm just behind the scenes and more on the legwork and for the first time, I was given the opportunity to be the host of the presentation. It's not my genre actually but then, I took the challenge to do it for the Lord. It's a live show, you know and during rehearsal, I heard criticism. It's acceptable for me because it's my first time and I wasn't trained to do it. Hurt feelings, yes, and wanted to give up the role but if I do that, I put God into limitation. Mam Ferlin assured me that I can do all things through Christ who strengthens me, I tried the best I can. Through prayers and obedience, I was able to do it by God's grace.
Here's my first ever script for hosting the St. Nicholas presentation:
Magandang hapon po sa inyong lahat. Welcome sa ating SMC Got Talent Contest. Maraming salamat po sa inyong suporta at
pagdalo sa espesyal na araw na ito.
Bakit espesyal? Dahil ngayong
araw, matutunghanan natin ang tagisan ng iba’t ibang talento. Minsan lang ito mangyayari sa pesta ni San
Nicolas. Excited na ba kayo?
Alright, kung excited na kayo, let the SMC Got Talent
begin…. Tawagin na natin ang ating mga kalahok.. Andrei…. Hanna…. The Unbeatable….
The Strings Friends Forever and Matrix…
Thank you guys, maya-maya lang po ay matutunghayan na natin
ang kani-kanilang mga talentong ipapakita sa atin.
Of course, kung may mga kalahok, meron din tayong mga
hurado. Nakasalalay sa kanila kung may
mananalo at kung may matatalo. Sila po
ay walang inaayawan na gawin basta’t sa Panginoon, kayang kaya. Palakpakan po natin ang ating mga
hurado… Sis Beth Chu… Bro. John Carlo
Roberto, Bro. Mark David Mijares and Dcn. Romualdo Magarzo…
Thank you judges. And
now madlang people, ready na ba kayo? Alright, ang una nating kalahok ang
pinakabata sa lahat. Sya daw ay small
but terrible, bakit kaya? Tawagin na
natin si Sean Andrei….
… present Andrei….
Wow, ang galing galing naman. Kaya pala sya naging small but terrible dahil
di lang bilang stuntman ang kaya nyang gawin, singer din sya, diba? Sa kantang ating narinig, alalahanin po natin Psalm 46:1 “ang Diyos ang lakas natin at
kanlungan, at handang saklolo kung may kaguluhan.” Amen.
Ang susunod natin na kalahok ay bihasa sa pagsasayaw,
mapamodern man o folk dance, ngunit ngayong hapon, matutunghayan po natin ang
iba pang talent. Please welcome the
beautiful Hanna.
… present Hanna….
Kaya nyo ba yon guys?
Ang haba non. Ilang araw mo
nakabisado yon? Makikita po natin dito
sa Prov. 9:10 “Ang pagkatakot kay Yahweh
ay simula ng kaalaman, ang pagkilala sa kanya’y may dulot ng karunungan.”
Okay pa ba kayo dyan?
Bago po natin tawagin ang ating susunod na kalahok, pick up line muna
tayo. Christmas light ba kayo? Kasi kapag nakikita ko kayo, lumiliwanag ang
aking mundo.
Sabi nila mapapaindak ka sa sayaw kapag makikita mo ang
grupo na ito. May drama man sa practice,
tuloy pa rin ang laban, the unbeatable….
… present the
unbeatable….
Wow! Talagang bigay-todo.
Buti na lang at di bumigay ang stage natin sa indak nyo. Maraming salamat.
Psalm 33:2 says
“Praise the Lord with the harp, make music to him on the ten stringed lyre.” Ito ang gagawin ng ating susunod na kalahok,
the strings friends forever…
Habang sila po ay naghahanda sa kanilang mga instrument, nais
po nating batiin ng happy 28th wedding anniversary sina Bp Dick at
Sis Nem. Maraming salamat sa suporta. Maraming salamat din po sa ating mga
sponsors, kay Mark Angelo Roberto – looking forward sa chocolates pagbalik
mo. At sa pamilya din po ni Fr. Heinrich
Ruiz, maraming salamat po.
Okay, ready na sila, palakpakan po natin sila.
… present the
strings….
Masarap pakinggan ang tunog ng musika kung nakikinig tayo sa
radio at telebesyon pero mas nakakaantig ng puso kung ito ay napapakinggan ng
live, hindi po ba?
And now, for our last but not the least contestant, Matrix.
… present Matrix….
Wow! Ganyan kalakas ang prayer. Nawawala ang pagkapaos ni Matrix.
Madlang people, sino ba ang gusto ninyong manalo? Saan dito ang kaberks ni Andrei, ang fans ni
Hanna, taga suporta ng the unbeatable, taga hanga ng the strings friends
forever at ang mga kakampi dito ni Matrix?
Habang nagtatabulate po ang ating mga hurado, syempre, di
rin ako patatalo sa mga contestants, kung kaya’t meron din akong inihandang special
number sa inyong lahat.
… present a dance by
yours truly….
Isang malaking karangalan po ang makasali dito sa SMC Got
Talent. Ito din ay isang daan upang
mahasa ang mga talento ng mga bata. Kung
kaya naman mga children next year, dapat, kayo na rin dito ha…
Habang nagtatabulate pa po ang ating mga hurado, palakpakan
po natin muli ang ating mga kalahok.
Ayon po sa 2
Corinthians 2:14 “Ngunit salamat sa Diyos at lagi nya tayong isinasama sa parada
ng tagumpay ni Cristo dahil sa ating pakikipag isa sa kanya. At sa pamamagitan natin ay pinalalaganap ng
Diyos ang mabangong halimuyak, ang pagkakilala kay Cristo.”
Mga kaibigan, ang SMC Talent
------ all cast will sing We
will triumph ----
Comments
Post a Comment